-- Advertisements --

Nakuha ng isang magsasaka sa Israel ang record na may pinakamabigat na strawberry sa buong mundo.

Ayon sa Guinness World Records ang tanim na strawberry ni Tzahi Ariel ay tumitimbang ng 289 grams.

Ito ay halos limang beses na mas mabigat sa berry na katulad nito.

May haba ito na 18 cm at 34 cm ang circumferences ntio.

Noon pang nakaraang taon ay umasa na si Ariel na siya ang may malaking tanim na strawberry kaya inilagay niya sa freezer ito para makita ng mga verifier ng Guinness.

Nagtatalon at nagsisigaw lamang siya ng pormal na ideklara ng Guinness na hawak niya ang nasabing record na may pinakamabigat na strawberry.