-- Advertisements --
Pinasinayan na ng Department of Transportation (DOTr) ang 313- kilometer Metro Manila Bike Lane Network.
Itinuturing na ito ang pinakamahabang bike lane sa bansa na sumasakop sa 12 lungsod gaya sa Pasig Quezon City, Marikina, Las Pinas, Paranaque, Taguig, San Juan, Manila, Caloocan, Mandaluyong, Makati at Pasay.
May lapad ito ng 1.5 hanggang 4 metro depende sa mga kalsada ng lungsod.
Ayon kay DOTR Secretary Arthur Tugade na gawa ito sa delineators at flexible rubber bollards na siyang maghihiwalay sa mga siklista at motorista.
Kayang ma-accomodate ito ng 1,250 na siklista kada oras.