-- Advertisements --

Nadiskubre ng mga otoridad sa U.S. ang tinaguriang pinakamahabang smuggling tunnel sa border nila ng Mexico.
Mayroong haba ito na 4,309 talampakan kung saan may nakakabit na rail track, drainage and air ventillation systems, lift at high voltage electrical cables.
Konektado ito sa industrial site ng Tijuana Mexico papuntang San Diego, California.
Hindi namang binanggit ng mga otoridad kung sino ang hinihinala nilang nasa likod ng tunnel.
Wala ring nakuhang droga at mga naarestong tao sa lugar.















