-- Advertisements --
Naibenta sa auction sa halagang $46, 000 o katumbas ng mahigit P2.3 milyon ang balahibo ng huia bird.
Ayon sa Webb’s Auction House na ito na ang itinuturing na pinakamahal na balahibo na naibenta.
Ang huia ay nauugnay sa wattle-bird family na huling nakita noon pang 1907.
Mahalaga ito sa Maori isang tribu sa New Zealand dahil ginagamit nila ito bilang headpieces ng kanilang pinuno at pamilya.
Inireregalo din ito at ipinagpapalit sa ibang mga produkto.
Ang pinakahuling balahibo ng ibon na naibenta ay noong 2010 sa parehas din na klase at ito ay nabili sa halagang $8,400.