Nagsagawa ng port visitation sa Guam ang isa sa tinaguriang “most powerful weapon” ng US Navy ang USS Nevada.
Isa itong Ohio-class nuclear-powered submarined na may kargang 20 Trident ballistic missiles at ilang mga nuclear warheads.
Dumaong ang nasabing submarine na tinawag nilang “Boomers” sa Navy base sa US Pacific Island terrirtory.
Ito ang unang pagbisita ng ballistic missile submarine sa Guam mula pa noong 2016 at ang ikalawang inanunsiyong pagbisita mula noong 1980.
Ayo sa US Navy na layon ng port visit ay para mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng US at mga kaalyado nito sa rehiyon.
Ipinapakita ng US ang kaniyang kapasidad, kahandaan at ang pagtiyak nito sa Indo-Pacific regional security and stability.
Kadalasan kasi na ang paggalaw ng mga 14 boomers ng US Navy ay isinisekreto kung saan lulan ito ng mahigit na 150 mga marino.
Sinasabing nagtatagal ito sa ilalim ng tubig ng 77 araw bago dumaong ng ilang buwan sa port para sa kaniyang maintenance.
Maraming mga analyst naman ang nagsabi na kaya ipinakita ng US ang kanilang submarine para idiin sa China ang kanilang kakayahan na ipagtanggol ang Taiwan at ilang mga bansa na sinasakop nila.