BUTUAN CITY – Matagumpay na narekober sa tropa ng pamahalaan ang 22 na highpowered firearms ng New People’s Army o NPA kasama ang maraming mga magazines sa bisinidad sa Bagul River, Brgy Kasapa II, sakop sa bayan nga La Paz, Agusan del Sur.
Isinagawa ito noong lunes, Abril 11, 2022 sa pamamagitan ng retrieval operation na inilunsad ng 60th Infantry “MEDIATOR” Battalion, 10th Infantry “AGILA” Division, Philippine Army. Pasado alas 5:30 sa hapon nang tuluyang makuha ang mga baril matapos isiniwalat sa dating rebelde na nagsurender sa 60IB sa pangunguna ni Lt. Col. Merrill C Sumalinog, Acting Commander.
Kasama sa nakuhang mga baril ang 10 na AK 47 Rifles, pitong M16 Rifles, isang ULTIMAX LMG, isang M14 Rifle, isang unit ng M79 Grenade Launcher, isang Garand Rifle at isa pang M16 Rifle na hindi kumpleto na ang parts.
Ang lokasyon sa nasabing mga baril ay isiniwalat ni Alyas Bolo, dating miyembro sa Guerilla Front 3 (WGF3), Sub-Regional Committee 4 (SRC 4), Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) matapos namang sumuko sa 60IB noong Abril 5.
Ayon kay Alyas Bolo sa initial na custodial debriefing na ang nasabing arms cache ay pagmamay-ari sa mga kasamahang sumuko na rin sa pamahalaan. Gagamitin sana ito upang muling mapalakas ang puwersa ngGuerilla Front 3.
Ang nasabing mga barila ay nasa kustudiya ng 60IB at itu-turned over sa Philippine National Police para sa tamang disposasyon.