Nasa bansa na ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang MRRV-9701.
Dumating ang naasabing barko nuong Sabado Pebrero 26,2022.
Mainit na sinalubong ng mga PCG officers at personnel, sa pangunguna ni PCG Officer-in-Charge, CG Vice Admiral Eduardo D Fabricante, ang naturang barko sa Port Area, Manila. Ang MRRV-9701 ay naglayag mula Shimonoseki Shipyard sa Japan kung saan ito ginawa ng Mitsubishi Heavy Industries (MHI), Ltd mula pa noong Disyembre 2020.
Ayon kay VAdm Fabricante, Lubos silang nagagalak dahil nandito na ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard.
Nagpapasalamat din ang PCG kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Department of Transportation – Philippines (DOTr) Secretary Art Tugade sa kanilang patuloy na pag-agapay at pag-suporta sa modernisasyon ng PCG.
Ang MRRV-9701 ay isa sa dalawang 97-meter multi-role response vessels (MRRV) na layong palawigin ang modernisasyon ng PCG.
Bahagi ito ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) Phase II ng Pilipinas, sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr), at Japan na pormal na napagkasunduan noong Oktubre 2016.
Sa oras na ma-komisyon bilang “Barko ng Republika ng Pilipinas ang (BRP) TERESA MAGBANUA (MRRV-9701),” gagamitin ito para makatulong sa operasyon ng PCG Task Force Pagsasanay.
Ang PCG Task Force Pagsasanay ay nangunguna sa pagtataguyod ng maritime security, maritime safety, maritime law enforcement, maritime search and rescue, at marine environmental protection sa malawak na katubigan ng Pilipinas.