-- Advertisements --

Pansamantala munang sinuspinde ang operasyon ng itinuturing na pinakamalaking car factory sa buong mundo.

Ang higanteng Ulsan complex ng kompaniyang Hyundai na nasa South Korea ay pinatigil muna ang operasyon dahil sa kakulangan ng mga spare parts mula sa China.

Sinasabing ang suppliers ng engine wiring harness na inaangkat pa mula sa China ay nag-shutdown muna matapos magpositibo ang mga workers sa coronavirus.

Simula ngayong araw ang kinikilalang world’s fifth-largest car manufacturer ay inilagay sa forced leave ang umabot sa 25,000 na mga manggagawa.

Ang planta ng Hyundai ay kayang makagawa ng 1.4 million na dami ng kotse kada taon.

Kung limang araw itong sarado, tinatayang malulugi ito ng aabot sa $500 million (P25-B).