Nakatakdang magusap-usap ang mga matatas na opisyal ng pamahalan, ambassador, at mga expert sa pinakamalaking West Philippine Sea Conference of 2024.
Ito ay upang ipagdiwang ang ika-8 anibersaryo ng arbitral ruling na nagpapawalang bisa sa claim ng China sa West Philippine Sea.
Ito ay inorganisa ng Stratbase ADR Institute, sa pakikipagtulungan sa Australian at US Embassy sa Pilipinas.
Ito ay gaganapon sa July 12 sa Makati City.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo at magbibigay ng kanilang mga insights ay ang mga ambassador ng United States, Australia, Canada, France, at Japan.
Magbibigay din ng kanilang mensahe ang National Security Council, top military officials mula sa Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, at Presidential Office for Maritime Concerns.
Ayon kay Stratbase Institute President Professor Dindo Manhit, napapanahon na mapag-usapan ang inaasal ng CHina sa WPS para makakuha at magkaroon ng palitan ng views kaugnay sa kahalagahan ng lumabas na ruling.
Mahalaga din ito aniya para mamentene ang rules-based international order sa Indo-Pacific.
Ayon kay Prof Manhit, ang naturang ruling ay nagpapakita sa malawakang effort ng Pilipinas para depensahan ang soberanya, territorial integrity, at economic rights sa WPS, nang dumadaan sa tama at ligal na paraan.