LEGAZPI CITY – Kapos na sa pondo ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) para sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay BRTTH Medical Chief Dr. Eric Raborar sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kinakailangan na ng alalay ng ospital upang maipagpatuloy ang operasyon bilang pinakamalaking referrel hospital sa COVID-19.
Kinukulang na ito sa pambili ng gamot, medical oxygen at iba pang medical equipment.
Napakalaki rin aniya ng nagagasto sa hemoperfusion na kung saan umaabot sa P34,000 ang bawat session.
Sinabi ni Robar na hindi sila naniningil sa mga COVID-19 patients dahil ito ang kanilang sinumpaang trabaho.
Sa katunayan, umaabot sa P30 million ang nagagastos kada buwan sa 50 lang na pasyente, lalo na ngayong nasa mahigit 100 na ang COVID-19 patients na nasa criticat at severe conditions.
Kung kaya’t umaasa si Raborar na maibalik na ang suporta ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa operasyon ng ospital.
Napag-alamang nasa P208,262,577 pa ang kabuuang matatangap na claims ng BRTTH mula sa PhilHealth.
Aniya, tinatalakay na rin ang naturang usapin at umaasang mapadali ang reimbursement na malaking tabang upang matiyak ag financial stability at sustainability ng operasyon ng ospital.