-- Advertisements --
Nahukay sa Botswana ang itinuturing na pinakamalaking diamond sa buong mundo.
Ang 1,098-carat na diamond na pinaniniwalaang pangatlo sa pinakamalaking “gem-quality” diamond na nadiskubre.
Unang nahukay ito noong nakaraang linggo sa Jwaneng mine hindi kalayuan sa Gaborone ang capital ng bansa.
Inooperate ito ng Debswana, isang diamond company na katuwang nila ang gobyerno ng Botswana at ang De Beers Group.
Iprinisenta ang diyamente sa pangulo ng Botswana na si President Mokgweetsi Masisi.
Ayon sa gobyerno na gagamitin nila ang pinagbentahan ng diyamente para sa pagpapaunlad ng kanilang bansa.