-- Advertisements --
STRATOLAUNCH
STRATOLAUNCH

Naging matagumpay ang unang paglipad ng itinuturing na pinakamalaking eroplano sa buong mundo.

Ayon sa Stratoluch System, ang kompaniyang may gawa ng six-engined mega jet na umabot sa ilang taon nila itong ginawa sa disyertong bahagi ng Los Angeles.

Ang kompaniya na inilunsad noong 2011 ng pumanaw na Microsof co-founder Paul Allen ang siyang unang nakaisip ng nasabing paggawa ng eroplano.

Pinangunahan ng test pilot na si Evan Thomas ang eroplano sa bilis na 173 mph at umabot sa 15,000 ang taas na nilipad nito sa loob ng dalawa at kalahating oras.

May wingspan ito na 385 talampakan at haba na 238 talampakan kung saan may bigat ito na kalahating milyong libra ang bigat.

Target ng kompaniya na ialok ang eroplano sa US miitary, NASA at ibang mga private company.