-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim sa lockdown ang OB Complex ng Western Visayas Medical Center sa Mandurriao, Iloilo City kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang buntis na pasyente.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Dr. Joseph Dean Nicolo, medical center chief ng nasabing hospital, sinabi nito na Hulyo 31 ng isinugod sa hospital ang 42 anyos na pasyente upang manganak.

Bilang protocol, isinailalim sa nasal swab test ang pasyente na residente ng nasabing distrito at nagpositibo sa COVID-19 kung saan umabot sa 21 ang close contacts.

Dahil dito, isinailalim sa lockdown ang OB Emergency Room, dalawang OB Ward at delivery room sa OB Complex.