-- Advertisements --
Gaganapin sa Saudi Arabia sa susunod na taon ang tinaguriang pinakamalaking karera ng kabayo.
Mayroon kasing $20 million na premyo ang nakalaan sa mga mananalo.
Mahihigitan ng Saudi Cup ang nakaraang Pegasus World Cup noong 2018 na mayroong $16 million premyo at Dubai World Cup na mayroong $12 million na premyo.
Gaganapin ang Saudi Cup sa King Abdulaziz Race track sa Riyad sa Pebrero 29.
Mayroong 14 mga kabayo sasabak at magbubulsa ng $10 million ang grand winner.
Ayon kay Prince Bandar bin Khalid Al Faisal na ang nasabing pagpapakilala ng Saudi Cup bilang internationa race ay magdadala ng kasaysayan sa nabanggit ng bansa.