Nasabat ng mga kapulisan sa Laos ang isang truck na naglalaman ng ilang milyong droga.
Aabot sa 55 milyon methamphetamine tablets at mahigit 1.5 tonelada ng crystal meth.
Ayon sa United Nations na ito na ang pinakamalaking pagkakasamsam ng iligal na droga sa buong South at maging sa East Asia.
Base sa imbestigasyon, pinara ng mga kapulisan ang isang truck na naglalaman ng mga beer sa Bokeo ang borders ng Thailand at Myanmar.
Ang lugar kasi na kilala bilang Golden Triangle ay mayroon ng matagal ng kasaysayan sa pagiging pangunahing drug-producing hotspot.
Sinabi ni Jeremy Douglas ng Southeast Asia regional representative for United Nations Office on Drugs and Crime (UNDOC) na nahigitan nito ang pagkakumpiska ng Laos na 16 milyong amphetamine tablets noong nakaraang linggo.
Dagdag pa nito na idinadaan ng mga drug dealers ang kanilang droga sa Laos dahil sa ipiapatupad na COVID-19 restrictions sa China at Myanmar.