Hahawakan na ni Boston Celtics Small Forward Jaylen Brown ang korona para sa pinakamalaking NBA Deal sa kasalukuyan.
Ito ay matapos pumirma sina Brown at ang management ng Celtics ng kontrata na nagkakahalaga ng $304million para sa panibagong limang taon niyang paglalaro sa Boston.
Ang 26 anyos na si Brown ay naging pangunahing miyembro ng Celtics sa pitong magkakasunod na taon na pumasok ito sa playoffs.
Sa kasalukuyan, hawak ni Brown ang average na 26.6 points, 6.9 rebounds and 3.5 assists per game, kasama na ang magandang depensa sa bawat laro ng Celtics.
Ang nakuhang contract extension ni Brown ay malayong mas mataas kumpara sa ibinayad sa 2-time MVP at defending NBA Champion na si Nikola Jokic na kamakailan lamang ay pumirma ng $264million na extension kasama ang Denver Nuggets.
Kung maalala ay bahagi si Brown ng Celtics Team na lumaban sa Golden State Warriors noong 2022 ngunit hindi nila nagawang maipanalo ang nasabing laban, dahil na rin sa karanasan ng Warriors team sa paglalaro sa NBA Finals.