LAOAG CITY – Pansamantalang isinara ang pinakamalaking mall sa South Korea dahil sa coronavirus.
Ito ay ayon kay Bombo International Correspondent Ogien Sacoco, taga Dingras, Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Seoul, South Korea bilang English Teacher.
Aniya, nagdesisyon ang management ng E-mart Mall na isara pansamantala matapos may isang matandang lalaki na pumunta sa mall na nagpositibo sa naturang sakit.
Sinabi ni Sacoco na matapos maisara ang nasabing mall ay nag-disinfect at posibleng pagkatapos ng tatlong araw ay bubuksan muli ang mall.
Samantala, sinabi ni Sacoco na sa ngayon ay totally lockdown na ang Daego City na may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus.
Dagdag ni Sacoco na ang Daego City ay malapit sa Bosan kung saaan may mga Pilipino rin sa nasabing lungsod.
Samantala, sinabi ni Sacoco na sa ngayon ay umabot na sa mahigit 200 ang apektado ng coronavirus sa nasabing bansa kung saan isa na dito ang patay.