-- Advertisements --
Inilipat na lamang sa buwan ng Oktubre ang bagong petsa ng pinakamalaking music festival sa Estados Unidos na Coachella at Stagecoach dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon sa organizer, na ang mga nakabili ng tickets para sa April show maibabalik ang kanilang bayad sa mga susunod na araw.
Nakatakda sana itong gawin sa Abril 10 at 17 subalit dahil sa banta ng COVID-19 ay inilipat ito sa Oktubre 9 at 16 sa parehas na lugar sa California.
Ang nasabing music festival ay siyang pinakamalaking music festival sa US na siyang dinadaluhan ng mga ilang libong music fans ng iba’t-ibang bigating banda at musicians.
Habang ang country music fest na Stagecoach festival na gaganapin sana sa Abril 24 ay inilipat sa Oktubre 23.