-- Advertisements --
Tuluyan ng nagsara ang pinakamalaking pagawaan ng latex gloves sa buong mundo.
Ito ay matapos na mahigit sa kaniyang kalahating empleyado o katumbas ng 2,500 ang nagpositibo sa coronavirus.
Ayon sa Top Glove ng Malaysia, isinara nila ang 28 planta nila dahil sa hindi na nila makontrol ang pagkalat ng virus.
Isa kasi ang kumpanya na may malaking demand ngayong pandemic.
Sa isinagawang testing ng kumpanya sa halos 5,800 na empleyado nila ay 2,453 ang nagpositibo.
Nauna ng iniulat ng health ministry ng Malaysia ang paglobo ng bilang COVID-19 cases sa nasabing bansa kung saan mayroong 2,453 ang nagpositibo.