-- Advertisements --

VIGAN CITY – Wala na umanong stocks o supply ng Vitamin C, iba’t ibang klase ng face masks at medical supply ang pinakamalaking pharmacy sa Saudi Arabia dahil sa lumalalang sitwasyon ng nasabing bansa patungkol sa coronavirus disease 2019.

Ito ay matapos na umakyat na sa 15 ang bilang ng COVID patients sa Saudi Arabia mula sa 6 na nairekord sa nasabing bansa noong nakaraang linggo.

Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Lia Grey na head nurse sa isang ospital sa Dammam, Saudi Arabia, sinabi nito na nagpanic-buying umano ang mga tao nang malaman na dumami na ang bilang ng mga pasyenteng naapektuhan ng nasabing sakit lalo pa noong isinailalim sa lockdown ang tatlong bayan sa Eastern province ng Saudi.

Idinagdag pa nito na pinangungunahan na rin umano ni Prince Abdulaziz al Saud na siyang Interior Minister ng Saudi Arabia ang mahigpit na quarantine checkpoints sa nasabing bansa upang maiwasang kumalat sa ibang bahagi ng Saudi ang COVID – 19 virus.