Nagsagawa ng malakihang prisoners swap sa pagitan ng US at Russia.
Ilang mga Americans ay kinabibilangan nina Wall Street Journal reporter Evan Gershkovich at dating US Marine Paul Whelan.
Ang 32-anyos na si Gershkovich ay unang American journalist na inaresto dahil sa espionage sa Russia mula noong Cold War.
Noong Marso 2023 habang ito ay nagrereport sa Yekaterinburg ay inaresto siya dahil inakusahan siyang ispiya ng CIA.
Ito na ang pangatlong pinakamalaking prisoner swap ng US at Russia mula pa noong Abril 2022.
Noong Abril 2022 ay pinakawalan si Trevor Reed na dating Marine at nakakulong sa Russia mula pa noong 2019.
Siya ay hinatulan na makulong ng siyam na taon dahil sa pagbabanta sa buhay ng isang pulis dahil sa alitan.
Noong Disyembre 2022 ay pinakawalan din si WNBA star Britnney Griner kapalit si Russian arms dealer Viktor Bout.
Ang two-time Olympic gold-medalist ay nakulong ng halos 300 araw sa Russia noong Pebrero 2022 at hinatulan ng siyam na taon dahil sa drug smuggling ng makakuha umano ang mga otoridad ng cannabis oil sa bagahe nito.