-- Advertisements --

Nakuha ng isang international solar light advocacy group na itinaguyod ng Filipino ang bagong Guinness World Record na pinakamalaking solar artwork.

Tinawag ito bilang “Tree of Light” na ipinakita sa publiko noong Mayo 22 sa International Day for Biodersity at ginawa gamit ang 3,000 na solar lamps.

Ang mga lamps ay ginawa ng mga mag-aaral mula sa Deira International Schooland Universal American School na mula sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Matapos ang public viewing ng artwork ay kanilang ido-donate ito sa komunidad sa Agusan Marsh Wildlife Sanctuary.