LAOAG CITY – Masayang ibinalita ni Dr. Shirley Agrupis, pangulo ng Mariano Marcos State University sa Lungsod ng Batac dito sa Lalawigan ng Ilocos Norte na gumagawa sila ng sarili nilang 70% ethyl alcohol matapos nagkakaubusan na ang mga panindang alcohol sa dahil sa coronavirus.
Sinabi ni Agrupis na ang ginagawa nilang alcohol ay asukal at yeast o lebadura para makagawa ng ethanol kung saan lalagyan naman ito ng tubig para makuha ang 70% alcohol, at ang proyektong ito ay tinawag nilang “Asukal Mo, Alcohol Mo”.
Kwento ni Agrupis na target nilang mabigyan ng 20 litrong alcohol ang bawat LGU sa lalawigan.
Dagdag niya na simula sa araw ng biyernes ay ipapamahagi na nila ang mga ginawa nilang 200 litro alcohol sa mga LGUs sa buong Ilocos Norte.
Maalala na napakaraming namomroblema sa ngayon dahil wala nang panindang alcohol sa lalawigan matapos nag panic-buying ang karamihan dahil sa covid-19.