-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inaprubahan ng Mariano Marcos State University ang memorandum na pansamantalang suspensyon ng mandatoryong pagsusuot ng uniporme ng mga empleyado at estudyante sa paaralan ng Batac City.

Ayon kay Dr. Shirley C. Agrupis, presidente ng nasabing unibersidad na sumang-ayon ang mga miyembro ng Administrative Members Council na protektahan ang mga empleyado at estudyante ng paaralan kung saan ipinasa ang memorandum ng pansamantalang pagsususpinde ng pagsusuot ng uniporme noong Abril 1 matapos maaprubahan ng Abril 2.

Gayunpaman, exempted ang mandatory na pagsusuot ng uniporme ng mga empleyado at estudyante ay kailangan pa rin mapanatili ang pagsusuot ng maayos na pananamit ayon sa utos ng Civil Service Commission kasama na ang pagsusuot ng I.D para makilala ang mga empleyado at estudyante sa nasabing paaralan.

Kaugnay nito, naitala ang lungsod ng Batac bilang isa sa pinakamataas na nakakaranas ng mataas na heat index sa bansa at pinapanatili ng Weather Bureau ng Meteorology Department ang pag-monitor ng air temperature at relative humidity upang matukoy at maiwasan ang mga posibleng epekto ng matinding init sa mga mag-aaral at guro.

Samantala, walang naitalang heat stroke ang paaralan at patuloy na nakaalerto ang College of Health and Sciences at ang Health and Wellness center para tumugon.

Sa kasalukuyan, wala pang plano na magkansela ng klase ang nasabing unibersidad.