-- Advertisements --
Nakatakdang buksan sa buwan ng Mayo ang ipapatayong vaccination center ng Pasay City.
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang nasabing vaccination center sa MOA ground ay kayang makabakuna ng mahigit 2,000 na katao.
Target na mabuksan ito sa ikalawang linggo ng Mayo.
Sa ngayon ay sinimulan na ang pagsasagawa ng training ng mga staff para sa center.
Maglalaan din ng libreng shuttle ang city government na magdadala ng mga residente na magpapaturok ng COVID-19 vaccines.