Nangunguna na ngayon ang lalawigan ng Benguet sa mayroong pinakamalamig na temperatura sa bansa.
Batay sa datos umabot ito 9.7 degrees Celsius kahapon.
Sa naging pahayag ng state weather bureau , asahan pa ang mas malamig na temperatura sa mga susunod pang araw.
Paliwanag pa ng ahensya na sa ngayon ay hindi pa nararanasan ang pinaka peak ng malamig na panahon.
Sinabi pa ng isang Meteorological officer na posibleng ,maranasan ang pinaka peak ng malamig na panahon sa buwan ng Pebrero.
Samantala, kanya-kanyang diskarte naman ang mga residente sa Benguet para manatiling mainit sa lamig.
Sa Tublay, Benguet, paminsan-minsan ay may napaulat na hail storms
Sa Baguio City, bumaba rin ang temperatura sa 11 degrees Celsius, bagay na umakit sa mga turista mula sa ibang lugar sa bansa.
Iginiit naman ng state weather bureau na imposibleng bumagsak ang snow sa naturang lugar.