-- Advertisements --
Itinuturing ng Guinness World Record na pinakamaliit na aso sa buong mundo ang two-year-old na chihuahua mula sa Florida.
Ang aso na pinangalanang Pearl ay isinilang sa Florida noong Setyembre 1, 2020.
Mayroong laki ito na 3.59 pulgada, haba na limang pulgada at bigat na 1.22 pounds.
Kapatid nito ang may dating hawak na record na si Miracle Milly na mayroong taas na 3.8 pulgada na pumanaw na noong 2020.