-- Advertisements --

Labis ang kalungkutan ngayon ni Filipino boxing champion at Senator Manny Pacquiao dahil sa pagpanaw ng kaniyang alagang aso na si Pacman.

Nasagasaan umano ang nasabing aso sa garahe ng fighting senator nitong Linggo.

Pacman and Pacman
Pacman and Pacquiao/ FB post

Dinala pa ng senador ang naabing aso sa beterinaryo subalit hindi na nito nakayanan ang natamong sugat.

Inilibing na lamang ng boxing champion ang pinakamamahal na aso sa kanilang bakuran.

Laging kasama ng Pambansang Kamao ang pinakamamahal nitong Jack Russel Terrier sa lahat ng kaniyang mga pagsasanay.

Dinadala pa nito ang aso sa ibang bansa kapag ito ay mayroong laban.

Magugunitang noong nakaraang Linggo ay nakauwi na ng General Santos ang pamilya Pacquiao matapos na maabutan ng lockdown ng tatlong buwan sa lungsod ng Makati.