-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa ang pinakamalaking bilang ng mga Pilipino repatriates mula sa bansang Israel.
Ito ay sa kabila pa rin ng pagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli government at palestinian hamas militant.
Ayon sa ahensya, mangunguna sa pagsalubong sa 61 Overseas Filipino Workers na babalik ng Pilipinas si Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac.
Sasalubong rin sa mga ito ang iba pang senior official ng Department of Migrant Workers.
Inaasahang lalapag sa NAIA Terminal 3 ang nasabing bilang ng mga Pilipino Repatriates bandang alas 3:50 ng hapon.
Gagawin naman ng ahensya ang kaukulang briefing matapos ang gaganaping pagsalubong sa mga ito.