BUTUAN CITY – Nakapagtala ng pinakaraming 29 na bagong patay ngayong araw lamang ang Caraga Region dahil sa COVID-19 mula nang tumama ang pandemya sa rehiyon.
Habang 483 naman ang mga bagong kaso kungsaan 476 sa mga ito ay naka-isolate at 274 naman ang mga bagong nakarekober.
Pinakamarami sa mga may bagong kaso ang lalawigan ng Agusan del Sur na umabot sa 181 na sinundan ng Butuan City-105, pangatlo ang Surigao del Sur-81 at 60 naman sa Surigao del Norte.
Nakapagtala din ng 17 mga kaso ang Surigao City; 13 ang Agusan del Norte, tiglalabing-isa naman sa Tandag City at Bayugan City, 2 sa Cabadbaran City at tig-iisa sa Bislig City at Dinagat Island Province.
Dahil dito’y nakapagtala na ang Caraga Region ng 33,229 mga cumulative COVID-19 cases kungsaan 4,756 sa mga ito ang naka-isolate at 27,401 ang nakarekober habang 1,072 naman ang kabuu-ang patay.