Nangunguna ang bansang South Korea sa naitalang international tourists ng Pilipinas noong 2023. May kabuoang 1.439 million na South Koreans ang bumisita sa Pilipinas.
Sinundan ito ng United States of America na may higit 903,000 na turista at Japan na may 305,000. May naitala namang 266,000 na turista ang nanggaling sa Australia habang mahigit 263,000 ang nagmula sa China.
Malaking bilang din ang nanggaling sa mga bansang Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, at Malaysia.
Kasunod nito, masayang inanunsiyo ng Department of Tourism o DOT na nakapagtala sila ng 5.45 million na international tourist noong nakaraang taon. Ito ay higit sa 4.8 million na target arrivals nila..
Ibinunyag din ng kagawaran na nakapag-generate ng 482 billion pesos na international tourism revenue ang bansa.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si DOT Secretary Christina Frasco sa lahat ng tourism stakeholder, partner, at contributor para matupad ang kanilang hangad sa turismo ng bansa. Aniya, ito ay malaking tulong para mapanatiling malakas ang ekonomiya ng Pilipinas.