BAGUIO CITY – Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang “Dirtiest Barangay” sa lungsod.
Una rito, nagsagawa ng surprise inspection si City Mayor Benjamin Magalong sa iba’t ibang barangay sa Baguio City.
Ayon kay Benjamin Macadangdang, assistant executive secretary ng Barangay Affairs Office ng lungsod, itinuturing na pinakamaruming barangay sa Baguio City ang Barangay Campo Filipino ken Barangay Guisad Surong.
Sinabi ni Macadangdang na ito ay dahil sa mga maruruming sidewalks, hindi maayos na pagtapon ng basura at maraming nakaparadang sasakyan sa mga gilid ng kalsada.
Ayon pay kay Macadangdang, sa Campo Filipino at Guisad Surong ay wala ring partisipasyon ang mga residente para sana maging maayos ang kanilang barangay.
Binigyan naman ng lokal na pamahalaan ng sapat na oras ang mga opisyal na magpaliwanag.