Naitala ng Philippine National Police Academy ang pinakamataas na applikasyon para sa PNPA-Cadet Admission Test na kanilang natanggap sa kasaysayan ng nasabing institusyon.
Batay kasi sa tala ng PNPA, nakatanggap ito ng 77,410 applications ngayong taon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, tagapagsalita ng PNPA, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga aplikante sa kasaysayan ng PNPA-CAT, kung saan mahigit doble ito sa dating record na 33,085 applicants noong 2021.
Naniniwala ang opisyal na ang pagiging aktibo ng PNPA at PNP sa social media para mahikayat ang mga kabataang makapasok sa serbisyo ang naging daan para sa napakaraming mga applikasyon.
Maaaring nakatulong din aniya ang mas madaling proseso ng applikasyon, ngayon at ginawa na itong online.
Ayon kay Col. Gonzaga, maaaring lalo pang madadagdagan ang bilang ng mga applikasyon dahil sa mananatiling bukas pa ito hanggang sa Hulyo-30.