Ipinagmalaki ng Manila Interntional Airport Authority (MIAA) na nakapagtala ito ng pinakamataas na bilang ng mga international passenger sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula ng tumama ang COVID-19 pandemiya sa ating bansa.
Para sa buwan ng Abril lamang ngayong taon, ayonsa MIAA nakapagtala ang pangunahing gateways sa ating bansa ng 1,677,779 international passengers at 9,089 international flights.
Ito ay doble pa sa bilang ng mga pasahero at flights na naitala noong Abril ng nakalipas na taon.
Iniulat din ng MIAA na kapag pagsasamahin ang domestic passengers at flights, nakapagtala ang NAIA ng kabuuang 3,666,503 passengers at 22,816 flights noong Abril ng kasalukuyang taon.
Ito ay katumbas ng 50% pagtaas mula sa naitala noong Abril ng taong 2019 bago tumama ang pandemiya.
Inihayag naman ni MIAA officer in charge Brya Co na nakaambag sa pagbuhos ng international travelers sa bansa dahil sa summer seson at sinasamantala din ng mga ito ang airline promos at kanilang naipong pera para maglakbay makalipas ang mahigit dalawang taong pagsasara ng borders ng Pilipinas dahil sa pandemiya.
Inaasahan naman na magpapatuloy ang momentum ng recovery para sa turismo at aviation industry ng bansa.