Nakapagtala ng nasa kabuuang 690 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).
Ito ang pinakamataas na daily tally sa mga kaso ng nasabing virus na naitala ng kagawaran mula noong Marso 7, kung saan 332 sa mga ito ang nagmula sa Metro Manila.
Bukod dito ay nakapagtala din ang ahensya ng dagdag na 19 na mga bagong nasawi ng dahil sa sakit na magdadala naman sa 59,343 na total number of deaths sa bansa.
Sa ngayon ay umakyat na sa 3,679,629 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 35,967 dito ay aktibo.
Samantala, una nang pinaalalahanan ng mga kinauukulan ang lahat na huwag pa rin makakapanti kahit na nakatanggap na ng kumpletong bakuna ang mga ito.
Pinayuhan din ang mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap ng booster shot na magpabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa nasabing nakamamatay na virus.
Layunin naman ng pamahalaan ngayon na palakasin pa ang bakunahan nito sa iba’t-ibang mga probinsya sa bansa upang makamit na ng mga ito na maisailalim sa Alert Level 1.