-- Advertisements --

Naitala ngayong ng Department of Health (DoH) ang pinakamataas na kaso ng Corovirus disease 2019 (COVID-19) simula nang nagkaroon ng pandemic sa Pilipinas.

Ayon sa DoH, ang mga kaso na nadagdag ay may kabuuang 33,169.

Nitong nakalipas na Linggo ng maitala ang 28,707 na mga bagong pasyente.

Samantala, mayroon namang naitalang 3,725 na gumaling at 145 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3 percent (157,526) ang aktibong kaso, 93.0 percent (2,788,711) na ang gumaling, at 1.74 percent (52,293) ang namatay.

Base sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 8, 2022 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 6.2 percent sa lahat ng samples na naitest at 6.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

“Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay,” ayon pa sa DoH. “Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpa-test. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”