-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Ikinagalak ng Department of Health ang pagkakatala ng pinakamataas na recoveries ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region kahapon.
Batay sa rekord ng DOH – CAR, 206 na pasyente ang gumaling mula sa nasabing sakit, kung saan, 114 sa mga ito ang mula Baguio City at 92 naman ang mula sa Benguet.
Kaugnay nito, naitala ang 22 na bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kahapon.
Mula sa mga bagong kaso, 10 ang mula Baguio City, siyam sa Benguet at tig-isa sa Apayao, Ifugao at Kalinga
Dahil dito, aabot na sa 5, 214 ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa rehiyon, 4,740 ang mga gumaling habang 58 ang nasawi.