-- Advertisements --
Inaasahan ng Department of Agriculture na maaabot sa katapusan ng taon ang imbentaryo ng bigas na nasa 3.64 million Metric Tons sa kabila ng epekto ng El Niño.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Operations U-nichols Manalo positibo sila na aabot sa higit 1.9 million metric tons ang imbentrayo.
At sakaling mabot ito ay ito na ang pinkamataas na imbentaryo mas mataas sa naitala noong 2010 na 3.42 million metric tons sa pagtaya ng Philippine Statistics Authority.
Binigyang diin ni Manalo na hindi gaanong naapektuhan ang suplay ng bigas at mais sa bansa dahil sa el niño. Tanging 191,233 metric tons ng bigas at nasa 188,861 metric tons na mais lang ang apektado ng El Niño.