-- Advertisements --

Tinanggalan na ng titulo ng Guinness World Record bilang pinakamatandang aso sa buong mundo ang asong si Bobi.

Ayon sa Guinness na walang ebidensiya na nagpapatunay na ang nasabing aso na pumanaw na noong nakaraang taon ay siyang pinakamatanda.

Dagdag pa ng organisasyon na hindi sapat ang microchip para ituring ang aso na pinakamatanda.

Wala pa silang napipiling bagong aso na papalit sa nasabing titulo.

Ang aso na isang Rafeiro do Alentejo ay mula sa Conqueiros, Portugal.

Ang nasabing lahi ng aso ay tumatagal ang buhay mula 12 hanggang 14 na taon.

Nabigyan ng titulo ang aso dahil sa sinabi ng kaniyang amo na si Leonel Costa na nabuhay ito ng hanggang 30 taon.

Magugunitang noong Oktubre 2023 ng pumanaw si Bobi sa edad umano na 31 taon at 165 araw.

Dahi sa pagkuwestiyon ng mga eksperto kaya nagsagawa ng imbestigasyon ang Guinness World Record.