-- Advertisements --
viber image 2023 10 24 14 24 13 502

Pumanaw na ang pinakamatandang aso sa buong mundo sa edad na 31 yrs o katumbas ng 217 dog years.

Inanunsyo ito ng Guinness World Records.

Ang naturang aso, na may pangalang Bobi, ay isang purebred Rafeiro Alentejano. Ang breed ni Bobi ay mayroong life expectancy na 12 hanggang 14 years.

Ayon kay Leonel Costa, ang may-ari kay Bobi, ang mahabang buhay ng aso ay posibleng dahil sa mapayapa niyang pamumuhay sa countryside ng bansang Portugal.

Hindi aniya siya nakatali, at regular ding kumakain ng human food.

Nitong Pebrero ay idineklara siya bilang pinakamatandang aso sa buong mundo, matapos malagpasan ang edad ng dating may hawak nito, na isang Australian cattle-dog

Ang naturang aso ay may edad na 29 yrs and 5 months, kung saan hinawakan niya ang naturang tutulo simula 1939.