Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang lalaki sa buong mundo sa edad na 112.
Si John Tinniswood any kinilala ng Guinness World Record na pinakamatandang lalaki sa buong mundo.
Ang Englishman ay isinilang kaparehas ng taon kung saan lumubog ang pinakamalaking barko na Titanic at naging survivor din siya sa dalawang world wars at dalawang global pandemics.
Ayon sa mga kaanak niya na nalagutan na ito ng hininga sa care home sa Southport, northwest England.
Isinilang noong Agosto 1912 sa Liverpool kung saan ikinasal ito sa asawang si Blodwen noong 1942 sa kasagsagan ng World War II kung saan naninilbihan ito sa Royal Army Pay Corps.
Mayroon itong isang anak na babae, apat na apo at tatlong apo sa tuhod.
Nagtrabaho ito dati bilang accountant sa isang oil industry bago magretiro sa edad na 60 habang ang asawa ay pumanaw na noong 1986.
Mula noong sa edad niyang 100 hanggang 110 ay nakakatanggap ito ng birthday card kada taon mula sa namayapang si Queen Elizabeth.
Walang sinusunod na special diet itong sinusunod maliban lamang sa pagkain ng bahagi ng kaniyang paboritong pagkain na battered fish and chips kada araw ng Biyernes.
Naging mentally active ito sa sa pamamagitan ng laging nag-uupdate ng balita at inaayos mabuti ang kaniyang sariling pera.
Nitong Abril lamang ng igawad sa kaniya ng Guinness World Record ang award.