-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang tao sa buong mundo.

Si Tomiko Itooka ay edad 116 ay namayapa na sa isang nursing home sa Ashiya, Hiyago, Japan.

Ayon sa kampo nito na noon pang Disyembre 29, 2024 ito namayapa subalit nitong Enero 4, 2025 lamang nila isinapubliko ang detalye.

Dinaluhan lamang ng mga malalapit na kaibigan at mga pamilya ang kaniyang burol.

Idineklara ng Guinness World Records si Tomiko na pinakamatandang nabubuhay na tao sa buong mundo matapos ang pagpanaw ng dating may hawak na si Maria Branyas ng Spain sa edad na 117, noong Agosto 19, 2024.

Isinilang si Tomiko sa Osaka, Japan noong Mayo 23, 1908 kung saan anim na taong gulang lamang ito ng magsimula ang World War I noong 1914 na nagtapos ng 1918.

Bukod sa pagiging volleyball player noong high school ito ay dalawang beses na niyang naakyat na rin niya ang Mount Ontake ang pang-14 na pinakamataas na bundok at ang pangalawang pinakamataas na bulkan sa Japan.

Ikinasal na ito noong edad 20 kung saan nagka-anak siya ng dalawang lalaki at dalawang babae.

Pumanaw ang asawa nito noong 1979 at mag-isa na lamang siyang nanirahan sa Nara.

Dahil sa pagpanaw ni Tomiko ay nailipat na ang titulo kay Ina Canabarro Lucas na isang madre sa Brazil sa edad na 116.