-- Advertisements --

Pumanaw na ang Five-time Olympic champion Hungarian gymnast Agnes Keleti sa edad na 103.

Kinumpirma ng Hungarian Olympic Committee ang pagpanaw ni Keleti.

Isinilang bilang si Agnes Klein sa Budapest noong Enero 9, 1921 kung saan sumali siya sa National Gymnastics Association noog 1938.

Nagwagi siya sa unang Hungarian championship noong 1940 at pinagbawalan siyang sumali sa lahat ng mga sports activities dahil sa kaniyang pagiging Jewish origin.

Ayon naman sa International Olympic Committee na isa sa pinakamagaling na gymnast ng Hungary si Keleti pero napulitika ito sa bansa at ang kaniyang relihiyon.

Sinabi naman ng Hungarian Olympic Committee na natakasan ni Keleti ang Nazi death camps kung saan ilang daang libong mga Hungarian Jews ang pinaslang.

Nagtago siya sa isang lugar as Budapest gamit ang mga pekeng papeles.

Nagwagi ito ng unang gintong medalya sa Helsinki games noong 1952 sa edad na 31 kung saan halos lahat ng mga gymnast ay nakapagretiro na.

Naabot nito ang pinaka-peak ng career sa Melbourne noong 1956 kung saan nagwagi ito ng apat na gold medals at naging pinakamatandang babaeng gymnast na nagwagi ng gintong medalya.

Matapos ang isang taon ay lumipat na ito ng Israel at doon nag-asawa at nagka-anak ng dalawa.

Ang kaniyang 10 Olympic medals kabilang na ang limang gold ay siyang nagdala kay Keleti ng pangalawa sa pinakamatagumpay na atleta ng Hungary.

Nakatanggap din ito ng ilang Hungarian state awards dahil sa tagumpay niya.