-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang pusa sa buong mundo na si Rubble.

Ang fluffy orange-and-white Maine Coon ay iniregalo sa may-ari na si Michele Heritage ng England bilang regalo sa kaniyang 20th birthday 31 taon na ang nakakalipas.

Noong Mayo 2019 ay kinilala ng Guinness World Record si Rubble bilang oldest cat sa buong mundo.

Tinalo nito ang unang may hawak ng record na si Scooter, isang Siamese cat ng Texas na may edad 30 na pumanaw noong 2016.

Ayon sa may-ari na wala namang sakit ang pusa at nagtaka na lamang ito dahil bigla ang pangangayayat niya.

Base na rin sa Guinness na ang pinakamatandang pusa na kanilang naitala ay si Creme Puff na namatay noong 2005 sa edad 38.