-- Advertisements --

Nagdiwang ng kaniyang ika-119 kaarawan ang tinaguriang pinakamatandang taong nabubuhay sa mundo na si Kane Tanaka.

Ibinahagi ng kaniyang great-granddaughter na si Junko Tanka ang mga larawan ng pagdiriwang ng kaniyang lola mula sa bansang Japan.

Hawak nito ang dalawang commemorative Coca-Cola bottles na personalized ng kaniyang pangalan at edad.

Isinilang noong 1903 at nakapag-asawa ng negosyante ng bigas sa edad 19 hanggang nagtrabaho sa kanilang negosyo sa edad 103.

Nabuhay si Tanaka at naabutan pa ang iba’t ibang makasaysayang kaganapan sa mundo gaya ng 1918 Spanish flu, nakaligtas ng dalawang world wars, 49 Summer at Winter Olympics.

Taong 2019 ng pormal siyang kinilala ng Guinness Book of World Records bilang oldest living person.

Noong Setyembre 2021 ay kinilala naman si Saturnino de la Fuente Garcia bilang oldest living man sa edad 112 isinilang noong 1909 at nakaligtas noong Spanish Civil War habang nagtatrabaho bilang sapatero.