Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang tao sa buong mundo na si Maira Branyas Morera sa edad 117.
Kinumpirma ng Guinness World Record (GWR) ang pagpanaw ni Morera sa edad na 117 taon at 168 na araw.
Siya na ang pang-walong pinakamatandang tao na naberipika ang edad sa kasaysayan.
Sinabi ng GWR na hindi na nagising sa kaniyang pagkakatulog mula a nursing home sa Catalona, Spain kung saan siya ang nanirahan sa loob ng dalawang dekada.
Kuwento ng kaniyang kaanak na hindi na umano takot na mamatay dahil sa napaghandaan na niya ito.
Noong Enero 2023 ng hirangin siya ng Guinness bilang pinakamatandang nabubuhay na tao matapos ang pagpanaw ng French na madre na si Sister Andre sa edad na 118.
Isinilang noong Marso 4, 1907 o apat na taon matapos na ilunsad ng Wright Brothers ang unang power driven flight o eroplano.
Si Morena rin ang itinuturing na pinakamatandang tao na gumaling mula sa COVID-19 matapos na dapuan ito noong Mayo 2020.
Sa ngayon ang pinakamatandang tao na nabubuhay ay ang babae mula sa Japan na si Tomiko Itooka na may edad na 116 taon.
Base naman sa GWR na ang pinakamatandang tao na nabuhay ay si Jeanne Louise Calment na isinilang noong Pebrero 21, 1875 sa edad na 122 taon at 164 araw.