-- Advertisements --
Nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang tinaguriang pinakamatandang tao sa buong mundo.
Umabot sa 117-taon na ang edad ni Kane Tanaka na nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa nursing home sa Fukuoko, Southern Japan.
Noong nakaraang taon kasi ay pormal na kinilala ng Guiness World Record si Tanaka na siyang pinakamatandang tao sa buong mundo na mayroon lamang siyang 116 year at 66 days noong Marso 9.
Isinilang ito noong 1903 at ikinasal kay Hideo Tanaka noong 1922 kung saan mayroon silang apat na anak.