-- Advertisements --
Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang tao sa mundo na si Lucile Randon sa edad na 118.
Ayon sa tagapagsalita nito na si David Tavella na hindi na nagising si Randon o kilala bilang si Sister Andre sa kaniyang pagkakatulog sa isang nursing home sa Toulon, France.
Isinilang siya noong Pebrero 11, 1904 bago naganap ang World War I.
Noong 2021 ay gumaling siya ng dapuan ng COVID-19.
Tinagurian siyang pinakamatandang tao sa buong ng pumanaw ang may hawak na titulo na si Kane Tanaka sa edad 119 ng Japan.
Isa ring babae sa France na si Jeanne Calment na pumanaw noong 1997 sa edad 122 na siyang may record na pinakamatandang kumpirmadong edad na naabot ng isang tao.