Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang tao sa US na Elizabeth Francis sa edad na 115.
Nakilala si Francis bilang si “Queen Elizabeth” ng Houston at ilan sa mga katao na isang supercentenarian o ang taon namuhay ng mahigit 110.
Ayon sa apo nito na si Ethel Harrison na siya ring tumayo bilang tagapangalaga ay napuno ang kuwarto ng lola nito ng mga plaque, proclamations at naka-framed na birhtday cards na galing kay dating Pangulong Barack Obama, Bill Clinton at maraming iba pa.
Bago ang kamatayan nito ay naging pang-21 na pinakamatandang tao sa kasaysayan ng US si Francis at pang-54 na pinakamatandang tao na nabuhay.
Ang kapatid nito na si Bertha Johnson ay namayapa sa edad na 106 noong 2011 kung saan kapwa sila nagtala ng record na magkapatid na may matandang edad sa buong mundo.