-- Advertisements --

Nangitlog ang itinuturing na pinakamatandang wild bird sa buong mundo sa edad na 74 base ito sa US biologists.

Ito ay ang Wisdom na isang wild female Laysan albatross.

Nakuhanan ng US Fish and Wildlife Service sa Midway Atoll national wildfire refuge sa Pacific ang naturang ibon kasama ang kaniyang kasalukuyang bird mate na inaalagaan ang naturang egg.

Bagamat ang miyembro ng kaniyang species ay karaniwang namumuhay sa pagitan ng 12 at 40 taon, ang ibong si Wisdom ay na-tag noong 1956 noong tinatayang nasa 5 taong gulang ito.

Ang kaniyang pinakahuling pangingitlog ay noong 2021 at pinaniniwalaang aabot sa mahigit 30 sisiw na ang napalaki nito.